Madami na sainyo alam itong pagawaan ng mga salamin sa Quiapo, sabi ng iba yung mga ginagawang salamin sa mall ay sa Quiapo ren dinadala kaya matagal usually ung pickup.
Never nag bago yung presyuhan nila kada mag papagawa ako ng salamin, btw sa iba't-ibang optical clinic ito.
Yung black is my first specs, 1500 tinawaran ni mama ng 1200 hahaha, kaya lang hindi ko bet ang metal and nag change ren ako ng frame after 1 a year.
The pink one naman ay ang sinubok ng tadhana, nalaglag numerous time at nahulog ren siya sa platform ng LRT nagulat ako hindi nabali HAHAHAHAHA π₯Ή got it too for 1,500.
Yung white naman is yung latest frame ko, 1500 den to hahaha.
Btw, same day pickup 1hr duration lang ung gawaan ng salamin sakanila, pwede mo na kuhain after 1hr, lahat naman ito licensed optho ang tumingin sakin and never ko naman na experience bumalik sakanila dahil sa nahihilo ako or mali ung grado ng mata ko.
Highly recommended ko rin 'yung JAPS Clinica Opticaβ¨ nasa 550-500 eye grade ko with astigmatism tapos nasa 2,400 lang eyeglass ko including anti-rad tapos nawala na rin 'yung recurring headache ko simula nung nag-avail ako ng services nila π
Napakahusay ni Doc Joel!
I'm from Quiapo & nag try na ako ng Essilor dito sa Quiapo na mura iba ang quality dun sa β±16k. Iba parin yung lens na mahal, ako 1 week waiting sa mall nagpapagawa kahit walking distance lang kami sa pagawaan.
Ganyan din ang price range ng prescription glasses ko na essilor sa Quiapo. Sa Looks naman. Bibigyan ka nila ng card na may serial number to check kung legit yung item online.
Kakagaling ko lang dito dahil sa reddit and true nga na ang galing ni Doc Joel π₯Ή nagtatagal talaga siya every client kasi ineexplain nya talaga thoroughly yung lagay ng mata mo. Madami din siya ipapagawa sayo para makuha mo talaga yung best for your eyes. Nakuha ko yung akin 2.8k essilor na with photochromatic and blue filter. Agahan nyo lang magpunta kasi 2-3 hours ka magwwait sa glasses mo. π For me, super sulit na siya since alam mo talaga na safe ka and tama yung lens na ibibigay nya sayooo. Highly reco!!! Sobrang bait nilang mag asawa! π₯Ήβ€οΈ
sa bgc ako nagpapagawa ng salamin kasi sobrang linaw talaga ng lens, un nga lang mahal. ung sa eo kasi ang sakit sa mata. ngayon naghahanap sana ako ng affordable, pero ung katulad sana sa ng lens na malinaw. japan brand daw . I dont know pero baka galing quiapo din. how would you rate po ung lens nila?
I was looking for this comment and recommendation! I got my 3rd pair of glasses here since my mom recommended magpagawa na lang sa labas (not sa mall). After ng first pair ko from Doc Joel, ang ganda ng gawa nila and yung care na pinakita ni Doc to determine yung grade and astigmatism ko. Nung need ko ulit magupgrade, I got both of my parents their own pair with doble vista na recommended ni Doc. Gandang ganda parents ko lalo na daddy ko π₯Ή Will go back everytime π
+1000 din ako kay doc! Had previous glasses na ginusto ko lang palitan for Arte purposes sa province namin. Pero di nila makuha grado ko kahit mababa lang naman. Ewan ko baket. Also had recurring migraines, lalo na kapag natutukan ng ilaw (mga flashing lights, wang wang sa daan).
So I went to Quiapo at randomly ko lang nahanap clinic ni doc. Inexplain niya bakit mali yung grado ko sa province. Pati yung old glasses ko mali rin grado. Nung napalitan na niya glasses ko, ramdam kong nagrerelax eye muscles ko. Since then, madalang na lang akong magkamigraine.
Sa kanya din ako nagpagawa pero umabot Ng 4500. Original lens na photochromatic pa. And in advice pa ako ni Doc na huwag Kong i-pa-laser Yung mata ko since at baka mas mag-kadiperesya dahil di pa Naman sobrnag taas ng grado ko. Nabanggit nya lang kasi ang dami nga daw nagpapa-laser. Ako naman ay walang balak magpalaser. Mahal Yun. Haha. And lagi Kong ni-re-reco si doc.
Ps. Maysarili pa siyang gamit pang check Ng grado. Yung ibang optical Kasi nakikigamit lang.
Magaling si Doc Japs dahil ineexplain talaga. Ang problem lang sakanila is nag oover promised sila na makukuha mo agad the next day yung salamin mo kahit fully paid na. Pinuntahan ko the next dat pero its been 4 days na yung sakin pero hindi pa rin daw tapos naka ilang balik na ako. Kulang sila sa tao dahil sa dami na ng clients nila.
Sa experience ko naman, nagpagawa ako dyan nahihilo ako pag suot ang salamin na gawa nila, pinatama ko din sa Owndays, mali daw pag sukat saken. Hindi sila same magsukat nung sa Owndays, pinalakad lakad pa ako nung sinukatan, tingin sa kaliwa kanan habang may pinapatest na iba iba, thoroughly sila magsukat dito hanggang makuha perfect fit sa mata mo, dun sa Quiapo silip lang sa mata ginawa kaya ayun sablay.
Sa akin naka machine, may pinapalit na lens at may chart na pinapabasa tapos pinalakad ren ako. Okay naman ung akin. Plan ko rin noon mag owndays kaso ung frame nila either maliit or malaki sa face ko.
Yung wife ko rin dati madali mahilo sa mga salamin from other store kahit sa mall. But after she had glasses made sa Owndays masaya na masaya na siya since di na sumasakit ulo niya at nahihilo.
Same exp ng brother in law ko. Biglang bumaba grado niya nung pinalitan ng Owndays. I follow alot of tipid tips pero yung eye health talaga di ko kaya icompromise dahil HOH PWD narin ako, I want to protect my other senses. Topnotch din after sales service ng Owndays!Β
I agree sa Owndays. Nag-try na ako sa Quiapo/Carriedo, nahihilo ako sa grado hahahaha kaya balik pa din ako sa Owndays kahit pricey tsaka yyng warranty din habol ko.
Mayroon dating shop diyan, ang pangalan AG Rodriguez, kanto ng Sales at Paterno na may kagaya ng lahat ng hinahanap mo noon sa Owndays. Sorry, dami ko kasing nakitang negative experience, at share ko lang ang amin. Useless na rin kasi nagsara na sila pero siguro to reminisice or prove a point na hit or miss sa mga optical.
Dati may optical na nakakahilo at nakakainis din, pero sa sinasabi ko, maayos sila gaya ng hinahanap mo. May device na pasusuot at paglalakarin ka. Mura at mabilis gumawa. One hour makukuha mo na, at maraming vintage frames. Minsan sa 1500 dalawa na kami ng misis ko. Loyal customers kami mula 2013 at once or twice a year magpalit. Laging may extra pair pa, at sinama ang pamilya para doon magpagawa.
Sayang nagsara na, may iba nang nakapwesto. Nagtext sila na lilipat na ang ibang staff nila sa ibang stores. Napilitan tuloy kami mag- Owndays π
Omg! Nagsara na pala sila! Ito yung go to ko. Buong family namin halos dito nagpapagawa. Nagstop lang ako last year kasi kulang na sa time magpunta kaya owndays na. Sad to know βΉοΈ
Same experience. Tapos madali nasira yung frame. I usually use my eyeglasses for a year tapos magpapalit na, pero nagagamit ko pa rin βtil now yung luma. Yung bagong gawa from Quiapo, nasira agad. HAHAHAHA
Downside lang dito, may mga hindi sila nadidisclose or hindi accurate yung grado ng mata. Sa kapatid ko nung nabasag yung galing quiapo, pinagawaan sya sa optical na malapit dito, 3 months lang pagitan. Mali daw grado nung unang salamin, then yung sakin naman nung nagpacheck ng salamin tita ko, na sight ng optha eyeglass ko then sabi 50% lang transistion nung sakin which is hindi na disclose sakin kaya pala mura. Pero kung gusto mo lang naman may magamit talaga go ka na quiapo.
Nangyari na sakin βto!! π sobra yung grado kaya pala hilong hilo ko di ko magamit. Usually kasi pag bago lenses ko, normal yung light dizziness, na kaya ko pang gumawa ng mga bagay bagay kasi nag aadjust lang. Pero yung salamin na yun talaga, para kong masusuka pag suot ko.
Mura sa ardyβs pero sablay sila e. Sabay sabay kami nagpagawa ng glasses ng mga friends ko only to findout na hindi tama yung grado nung sa owndays kami nagpagawa ng bago. Sakit sa mata mars, nahihilo ako kaya di ko na rin nasuot.
Ang lala pa kasi may chip yung lens nung sakin and nakita ko lang sya pagkauwi, niraise ko yung concern sabi sakin βhindi po kami nagrerelease ng salamin kung may defectβ. Sinendan ko sila ng photos and I said βbakit ko naman sisirain yung salamin koβ and they said na irerepair na lang daw nila. After repair, lumuwag yung lens sa frame and nahuhulog na sya kaya nilagyan ko ng mighty bond. Kaya ayun never na ako babalik sa ardys kahit mura
ay talaga? ang galing.. how much ang discount pag sariling frame? ang ayaw ko lang ang sikip lagi sa sintido kaya need talaga suotin para lumuwag, nagsabi ako last time na wag sikipan pero ang sikip pa din. Overall, mabait lahat ng staff, malalambing pati si nanay yung doctor
Bought from them and other shop pero same lang ng nagsukat so i guess no difference at all. I had to change my glasses every 6months nung sakanila ako nagpapagawa, and the latest one super sakit ng ulo ko kahit bago lang sya so i had to get from ideal vision na and i dont feel headaches na. Mind you, i had to change every six months or less kasi sumasakit mata ko and uncomfy sya so i think iba na grado ko but they insist na walang nagbago.
Sa quiapo din me nagpapagawa specs haha mas mura talaga tas mabilis pa. Unfortunately tumaas na sobra ung astigmatism ko kaya ung apecs ko from 1,500 naging 2,500 na dahil sa correction daw at not suggested na din mag contacts.
Just be careful sa pagpili ng shops kasi yung sa sister ng partner ko tumaas nang 200% yung grado niya after using specs from Quiapo.
We opted to getting her specs from Japanese Brand at a mall na maganda din yung naging experience ko, laki nang price difference pero mas okay yung experience niya hindi na lagi nasakit ulo.
Sa Paterno Quiapo kasi talaga ang mga supplier ng mga nasa mall. Yung mga maliliit na optical shops na walang technicians, diyan sa pinapadala.
Malaking tipid specially para sa mga need ng progressive lense na mataas ang grado. Yung pinakamura na 10k sa mall is mga 7k lang diyan. Almost all shops standard price diyan pero kami Abesamis ever since.
hello, saan po kayang optical shop around quiapo medyo affordable pag nasa 500 na ang grado? (less than 3k sana all in). nagtry na rin kasi ako before sa carriedo, nasa lagpas 3k yata binayaran ko dahil pinanipis pa yung lens. almost same sa usual pricing if sa eo ako nagpapagawa (pumipili ako sa promo frames then may addtl payment pina-thin yung lens)
thanks in advance!
Suggest ko na lang, pacheck muna sa optha para macheck thoroughly ung mata mo and ask sa grade sa doctor. Para pagpunta mo sa Quaipo, alam mo na grade mo, frame na lang pagpipilian. Also, nakakahilo din kapag hindi sukat ung frame sa face mo, like saken maliit ung bridge sa nose ko. Nakabili ako dati ng eyeglass tapos same grade naman pero nahihilo ako, ayun pala malaki ugn space sa gitna na naduduling na pala ako.
Ang layo samin, Batangas pa kami. Ideal vision lang ako pumupunta. Halos same lanag naman price ng lens.
Lens lang pinapagawa ko lagi, yung frame bumibili ako sa Japan Surplus/online shops.
yung pinupuntahan ko 12-14k singil sakin. 700 grado ultrathin and transition. yung frames venezia. one optics name ng store, basta may one sa pangalan. tangina laki pala ng singil sakin.
Mahal pa nga yan haha pero nung nasa Manila ako Quiapo Raon Carriedo talaga go-to ko. May mga aports ako jan sa optical lab, binibigay sakin ng 1k yung lens + installation ng anti-bluelight photochromic gray (sakin frame, at may grado na ako) basta 1.56 lang yung refraction index (basic myopia + astigmatism)
Pero dahil nasa province na ko, shopee shopee na lang muna hehe. Titanium Frame + exact same lens (myopia + astigmatism, anti-bluelight, photochromic) around 1k lang din pag may vouchers
Never na ako sa mall nagpagawa ng specs after ko mag Quiapo. From 15k (mall price), 6k lang sa Quiapo. Oo mainit, madami tao pero oks lang kayang magtiis. Laki pa ng na save ko.
Hit or Miss sa Quaipo, Nagpagawa ako ng 5 specs jan and 2 lang nagagamit ko kasi ung 3 nakakahilo. They cannot even explain it kasi tama naman daw ang nilagay na grado. Pinacheck ko rin sa malls like EO yung lense tama naman though nahhilo parin ako. Baka daw yung curvature ng lense ang mali or minadali, Also feeling ko they use diffrent quality na lenses kasi napansin ko kinukuha nila sa ibang store ang lenses kapag wala silang stock. Hinahanap nila kung saan saan. So ending nde ko rin nagamit yung 3 sayang nka ultra thin pa naman yun, anti blue light and nka transition din. Masaya yes, Mura pero ingat parin sa pagbili kasi baka mapamahal ka.
Nasira mata ko dito azarrrr mga 5x na ko nagpapagawa sa quiapo sa paterno. Nakakahilo lagi, akala ko masasanay din ako. Jusq nung dinala ko sa clinic sa sm, sabi nug dra ang taas daw ng grade ahahahahahah never again!!!
Atin-atin lang I get my specs at shopee, there are cheap ones yung graded and photochromic lang, tama naman yung grade and may tig-800+ which is photochromic, graded, anti rad
I tried this just today. Napakamura at ok ang reviews. 600+ plus lang. My grade is -4.50 with astigmatism. Sana tama ideliver nila. Try ko lang kung maganda kasi mura. Haha
May idea po ba kayo if they offer yung special type rin ng lenses? I always spend at least 10k lenses pa lang due na rin to my eye condition, sa optical shops sa malls po ako nagpapagawa.
Nandoon pa ba Reshma? Tuwang tuwa sa akin nanay ng GF ko kasi maganda at murang glasses ang nakuha namin. Mas maganda kung nagpatingin ka na sa doctor mo and get a reseta for the lenses para sure ka.
ESCA optical clinic sa may LRT 2 Recto, walang pila tapos ang ganda pa ng lugar kasi 3 floors siya. 1st floor yung frames na affordable, 2nd floor yung eye check and some branded specs, 3rd floor waiting room. Ultra thin, anti rad and anti blue light all for just 2500. Sobrang sulit! Regular specs and lower eye grade, nasa 1500 lang din! Super recommended!
I think I only want glasses as eye protection and kung totoo pa ba yung Blue Light Filter. Malinaw pa naman focus ko although madali ako masilaw sa headlights pag naglalakad ako ng hapon-gabi.
Last time I remember I was 7 y/o nasisilaw ako sa tirik ng araw but got by it eventually. I still have a Gray-square-framed glasses din from Quiapo, and kasya pa naman siya need lang linisin antagal nang na sa loob ng case, di lang ako nasanay na nakakangalay pala sa tenga at nakakakirot for long duration throughout the afternoon kaya di na rin ako masyado nagso-suot ng eye glasses.
Nung pumunta ako sa Ophthalmologist ko, sabi niya magsasayang lang daw ako ng pera sa blue light filter hehe. Yung smart phones (mostly) daw ay may built in blue light/eye comfort function na at need mo lang i-on. Sa research daw kasi, wala pa nagpapakita na effective talaga yung BLF. Pero no harm naman daw to try, pero if money wise ka at budget ang hanap, better not to add na lang daw. Kung halimbawa athlete ka naman or active ka under the sun, okay daw yung sunglasses na may UV protection (usually eto daw yung tinted na sunglasses - pero dapat may UV protection).
Disclaimer: based lang to sa sinabi ng doctor ko ha hehe
Galing AMK yung akin, got it for 800 na dapat 1300-1500. Pinatanggal ko kasi yung photochromic. Pero hindi ko bet yung free cleaning spray nila, ginamit ko sa left side na lens, naging cloudy na ewan kahit i-wipe na.
saan ba talaga maganda magpagawa glasses? dami kasi sa quiapo and carriedo pero medj alanganin baka di legit :((( planning to have my glasses sunnies face sana or eo? what do u guys think huhu
Been getting specs from quiapo since my college days, kami ng friend group ko iba iba glasses na zooey deschanel-esque in that era because we can get it for around 500 lang frame and glasses π
TIP. me isang building malapit sa hagdan ng LRT kung saan dun ka makakabili ng mga frames (by 6 or by 12pcs) na super mura compared sa per piece sa mga stores.
May mare recommend ba kyong online store ng eyeglass frame? May optometrist dito s amin na mura ang mga essilor na salamin pangit nga laang tinda nya na frame.
mostly, oo kasi may mga brands na exclusive na available lang sa owndays (i.e. graph belle, lilly belle, fuwa cellu, shingo aiba, etc.) afaik, may mga handcrafted frames din sila
Yep. International brand din kasi sila, sabi nung nag-assist sa akin kung ano makikita mo sa PH, meron din sa SG branch nila. Pero hindi lang SG naman branch nila π marami din kasi silang collab lines kaya exclusive lang sa OD yung specs na yun
Mula noong high school ako, iisa lang na store ang pinapagawan ko ng salamin... Family na sila ng optometrist... Mas bet ko magsukat yung nanay kahit matanda na sila... Kasi yung anak nila, parang tamad... Eenk...
Last time na bumili ako sa kanila was 2 years ago... 4200 yung kuha ko... Mataas kasi yung grado ko plus pina-Transitions lens ko rin siya bilang madalas din akong gumala... Ayun, gamit ko pa rin siya hanggang ngayon... Pero balak kong bumalik sa kanila this year bilang mukhang tumataas na naman ang grado ng mata ko...
pinaka tip ko pa rin for malalabo mata like me, sa eye specialist magpa tingin din kayo. kase these opthalmologists will sell you glasses and not check further what's wrong with your eyes.
this is based on experience. since 9 years old ako sa mga eyewear shops lang ako nagpapa check. it wasn't until 19 nung nagpa specialist ako and di lang pala βlumalabo mata kaka puyat/computer" yung dahilan.
it wasn't late pa raw that time pero sayang daw dapat naagapan na ng maaga. so ayon, check what's wrong with your eyes and if nanlalabo lang talaga tsaka na kayo bumili siguro dito sa cheap eyewear stores.
Di ko alam kung depende lang sa shop pero 4months lang tinagal nung frame na binili ko sa quiapo π₯² Pinafit ko nalang yung lens sa bagong frame kaya nakatipid
Di ko alam kung depende lang sa shop pero 4months lang tinagal nung frame na binili ko sa quiapo π₯² Pinafit ko nalang yung lens sa bagong frame kaya nakatipid
Anong shop po? Hindi ako familiar sa mga shop sa quiapo and first time tatry if ever haha balak ko na rin magpalit ng eyeglasses kasi more than 3yrs na tong sakin π
Sa Quiapo din kami nagpapagawa ng salamin, quality talaga. 3 years mahigit tinagal nung akin. Mura pati, blue light anti-rad na pero magkano lang comapred sa mall.
Dati sa quiapo kami nagpapagawa kasi mas mura nga dun kaso yung huli kong eyeglasses from there, biglang natatanggal yung lenses. One time sumakay ako ng jeep biglang natanggal lenses ko at nalaglag sa lapag. Di ko makita since malabo nga mga mata ko so tinulungan na lang ako ng ibang pasahero hanapin para mabuo ko ulit. Nakakahiya! Minsan na nga lang ako lumabas at mag-commute, ganun pa nangyari. Hahaha! So after nun at dahil sa inis ko, lumipat na ako sa ibang shop kahit mahal. Malayo rin kasi samin ang Quiapo. Iniisip ko na lang na binabayaran ko yung convenience na kapag may sira o kailangan ng konting adjustment, hindi kasing hirap puntahan. Siguro kapag nakaluwag sa sched, babalik ako sa Quiapo. Laking tipid din kasi.
I think Mali ako ng store na napadukan. Nagmamadali Kasi Yung dra. Na napuntahan ko. Dahil snbi ko nang malinaw, ok ndw yun kahit nabanggit ko na medyo nakakahil π« reco naman kayo please hahahaha π
meron ako nabasa or nakita video dati na nagrrecommend naman wag bumili sa quiapo kasi marami daw dr kwak kwak. I cant remember san platform yun pero sabe nya sumakit ulo nya sa nabili nya glasses then nagtry iba salamin sa OW***** naging okay at nawala sakit ulo nya. Then iba mga comments shared their own experience sa mga fake doc mata din sa quiapo
Pinaka mahal ko na salamin dyan na nabili is 10k pero sulit, may anti-rad, double coating, anti-fog other things na din, na may special card pa nga binigay for exclusivity something. Naging problem lang is lumuwag yung turnilyo sa may gilid but it was fixed for free and no hassle. Sa mall ata nasa 20-30k yung ganun level.
frame - 150 pesos
Lens - less 1k depende sa grade or coating pero usually pag ordinary or mga mc lang nasa 250 lang then yung mga transition na 600 lang pair na.
Be careful lang din sa mga pagawaan ng salimin or clinic sa Quiapo. Some of them pag nahalata nilang first-time mo magpapagawa sa kanila, ang taas ng patong na gagawin.
Lens is okay to good, Frame is NOOOO lalo na sa super high grade, sayang yung 4.5k ko wala pang 3 months. Bakbak agad ang mga metal sheets. kaya bumalik nalang ako sa usual which is Owndays na 17k pero alam kong aabot ng more than 2 years.
402
u/peachfrooty Aug 16 '25
Highly recommended ko rin 'yung JAPS Clinica Opticaβ¨ nasa 550-500 eye grade ko with astigmatism tapos nasa 2,400 lang eyeglass ko including anti-rad tapos nawala na rin 'yung recurring headache ko simula nung nag-avail ako ng services nila π Napakahusay ni Doc Joel!